Friday, May 30, 2008

Pilipinas kong mahal?

Have you seen the posters and tarpulins with the slogan "Pilipinas kong mahal"? That poster raises a lot of questions, namely:

How do you show respect for the Philippine flag?

Tama bang mag lagay ng poster ng flag na malapit na sa floor? If the flag is in the form of a poster, ok lang bang ilagay ito sa floor? Pwede ba itong gawing pamaypay?

Do you really love the country or are you willing to give up your citizenship?

Mahal mo nga ba ang Pilipinas or Mahal manatili sa Pinas?

Mahal mo ba ang Pilipinas dahil ito ang bansa mo or Mahal mo sya dahil marami kang makukurarot?

Do we have a sense of country? Tama bang i move ang independence day celebration to the Monday nearest it (like this year, instead na sa June 12 ang holiday, magiging June 9)?

Saturday, May 24, 2008

long delayed

I needed to do this... hit the delete botton and erase everything that is in the past. It should have been long buried. Dead.

Friday, May 23, 2008

My clothes are shrinking! (aka I am getting fatter)

I can feel it. I am getting fatter every day. My pants are getting "smaller". My clothes are "shrinking". My left thigh is constantly saying hello to my right thigh. And i blame it all on my project and project mates. Bwhahaha

For the past weeks, wala n yata kaming ginagawa kung di kumain ng kumain. Nung una ay "kotong" kami ng "kotong" (i.e. forced donations) sa mga TLs (hmmm di naman ako police or politician in my former life. bwhaahaha) para may merienda ang team. Ngayon ay may common fund na kami for our bi-monthly pig out. Ang problema dito, instead of bi-monthly, nagiging weekly na or even daily ang mga merienda.

Just this week, may pizza, burger, tuna and egg sandwich. Tapos for breakfast, ayun, palaging Mcdo. Hay, samahan pa ng coke at chips. tsk tsk. Sa bedroom ko, ang nasa bedside table ko aside from the laptop and books are chocochip cookies and LOTS of dark chocolate bars. bwahahaha. Di kaya mag rereklamo ang mga doctor at nutritionist sa akin?

Pano ang sarap kumain. mas masarap kung nasasabayan ng ice cold coke, tapos for dessert, yum yum kung cake or ice cream or better yet, a piece of rich dark chocolate bar. bwahahaha

Pero since lumiliit na nga ang mga damit ko, at ayaw kong bumili muna ng bagong outfit, cge na nga, try ko to eat less... or better yet, eat healthy and sensibly na nga. Hay, i wonder how this would last. knowing me, siguro 1 day lang. I can hear the chocolates calling my name.

Wednesday, May 21, 2008

Mr. Big, where are you?

If you are avid fans of "Sex and the City", you would surely know who Mr. Big is. Feeling ko nga, may Mr. Big din sa buhay ko. Ang tanong will my story be like Carrie and Mr. Big or will it take a different ending?

I am looking forward to watching the Sex and the City movie. Matutuloy kaya ang wedding ni Carrie at ni Mr. Big? Musta na kaya si Sam, Charlotte at Miranda? Did they get their happily ever after?

Hmmm, is there really a happily ever after or are we just hoping for one? Is it really achievable or like the holy grail, just a legend, something we all aspire for? Basta ako, ang alam ko, hinihintay ko pa rin si Mr. Big. Sana magparamdam na sya.

Tuesday, May 20, 2008

I miss...

...SHOPPING!

I miss buying new clothes, I especially miss buying new shoes. It has been 5 months since i last bought a pair of shoes. That's 5 months which would equal to 5 pairs. I am still sticking with my NO SHOPPING TILL JUNE RULE. A few more days, then I am off to Hong Kong for vacation and a "little" shopping. hehehe. Syempre, priority ko ang shopping for my new nest next month.

...GOING PLACES

For the past few months, all i do is go from point A to point B (aka bahay - office). I am looking forward to my Hong Kong trip this June. It will be my birthday gift to myself din. Dapat nga mas malayo ang pupuntahan ko this year, kaso wala akong maaya to go to Canada and the US, plus ung gusto kong pumunta dun towards the end of the year, pero may mas important na darating sa Pinas. Syempre I will postpone my trip to be with my siblings. :) Miss ko na sila!

...MY SIBLINGS

I miss my siblings especially my baby sister and bully atchie. I am looking forward to their homecoming (kasama pa ang fave cuz ko) kaya dapat nakaplan na ang mga gimmik at food trips sa kanilang pag dating... Naka line up na ang Tempura, Cyma, Clawdaddy, Zong, Mr. Kebab at kung ano ano pa. Ang tanong, san ko kukunin ang budget for the food trip? hahaha. Atchie, help!

...TAKING CARE OF SOMEONE

I miss taking care of someone, and being cared for by someone. Ayan ha, out in the open na. bwahahaha. Miss ko na sya kung sino man sya. Hoy, kung nandyan ka man sa aking mundo, magpakita ka nman o. (alam kong maraming mag rereact dito...bwahahah, sino kaya si someone? ung darating sa december or iba?)

...MAMPALAM, SATTI, at INIHAW NA ISDA

Miss ko ang mga pangkain sa Zamboanga! Gusto ko ng mampalam, pastil, balu-balu, yellow rice, satti, at kung ano ano pa. Sana may mga ganun dito, pero wala, kung meron man ay super layo naman sa TS. Hay, konting tiis na lang...

busy bee (?)

No time to be "petiks" this week for the following reasons:

  • Monthly meetings with the onshore managers and partner
  • Client / On-shore manager visit
  • Metrics and service reports to generate and analyze
  • Training on new reports / tool for MDC and Client team

Looking forward to MOVIE NIGHTS! Indiana Jones, here i come. hehehe

Wednesday, May 14, 2008

i confess

I confess...

Maldita ako - pero mas maldita ang sisters ko. (bwhahaha) sila lang ang nakakabully sa akin. Marami na akong naaway. Chi remember the boxing incident sa elementary? siguro mga 2x minimum nangyari sa akin yun... once with a boy over a game. hahaha. How about the chicken bone throwing incident? Gosh ang dami ko ring napaiyak. Kahit bata or matanda, wala yata akong pinaligtas. tsk tsk. Bad ako, pero buti na lang things get mellow with age. Bwhahaah.

I love eating and food - I may be petite (size 0) pero i can eat like a construction worker. Mas maraming rice than ulam. :) nung mas bata pa ako, siguro mga 5x ang minimum na balik ko sa buffet. Hahaha. Running joke nga ang sa amin na may anaconda ako sa tyan. :-). Medyo bumagal na nga ang metabolism ko kaya instead of 4 slices of a large pizza medyo 2-3 na lang ang kaya ko sa isang sitting. hehehe.

I eat at least 1 pc of chocolate (i love dark chocolate) a day. :) I always have chocolates and other junk food sa aking table. Kaya siguro mahilig si mickey mouse magpakita. bwahahaha. Namimiss ko na nga sya eh. Ang tagal ko na syang di nakikita. hahaha

Madali akong mafrustrate at magalit - di lang yun, pag nagalit ako, aba, biglang nag eenglish ako. bwhahaha. Bad nga ako eh. Pag nagalit ako or nainis ako sa isang tao, that person will no longer exist (sa world ko). Alam mo ba ang motto ni hulk? ako yun. Plus wag na wag kang magpacute or makulit pag bilog ang buwan, baka kung ano ang gawin ko sayo.

Makulit ako - my friends and family will agree super makulit ako. :-)

Malakas ako tumawa - parang di girl kung tumawa.

Wala akong magawa kaya ginawa ko itong blog na ito. Bwhahaha

Thursday, May 08, 2008

busy busy

been busy as a bee since i arrived. Have no time to blog nor to shop (i miss shopping for shoes!). Hopefully, i can balance work and life soon.
 

alchemist2 | Distributed by Blogger Templates | Desenvolvido por EMPORIUM DIGITAL