Friday, June 03, 2005

June na!

June na! Tag ulan na! Tapos na ang summer, pero wala pa ring outing ang department ko. huhuhu. 3 summers na ako dito sa agency na ito, at sa tagal ko dito, walang naganap na outing. Buti pa sa ibang departments.

June na! Tag ulan na! Tapos na ang summer... Pasukan na naman. Magiging masikip na naman ang trapiko sa EDSA, Katipunan, U-Belt area at kung saan pang may malapit na iskwelahan. Maaga ang gising ng mga bata at mga nag oopisina, ngunit, minsan late pa rin ang dating sa iskwela o opisina dahil sa trapik. Kailan kaya mabibigyan ng solusyon ang trapik sa Maynila?

June na! Tag ulan na! Tapos na ang summer... Pasukan na naman. Gastos na naman ang mga magulang at ang mga nagpapaaral. Taon taon tumataas ang tuition ng mga private schools at tumataas ang bilang ng mga estudyante sa pubic schools. Sa pag taas ng bilang ng estudyante (sa public schools) at tuition (sa private schools), tumataas din ba ang kalidad ng edukasyon? Dumadami ba ang mga silid aralan? Mas magiling ba ang mga guro? Eh ang mga aklat, tama ba ang mga "facts"?

June na! Tag ulan na! Tapos na ang summer... Independence day celebration na naman... ano na naman kaya ang gimik ng maliit na presidente? Cha-cha? Papogi?

June na! Tag ulan na! Tapos na ang summer... birth month ko na. Tatanda na naman ako! huhuhu... single pa rin. bwahahaha... What will this month / year bring?

No comments:

 

alchemist2 | Distributed by Blogger Templates | Desenvolvido por EMPORIUM DIGITAL